Regional Website 3

Groundbreaking Ceremony ng Expansion ng Dingalan CFLC, idinaos ng BFAR 3



Pinangunahan ni Mayor Sherwin H. Taay at BFAR 3 Regional Director Wilfredo M. Cruz ang groundbreaking ceremony ng expansion of Community Fish Landing Center sa bayan ng Dingalan, Aurora, Setyembre 12. Ito ay nagkakahalaga ng P3 milyon na naisakutuparan sa tulong ni Senator Risa Hontiveros upang mas lalong masuportahan at matulungan ang mga mangingisda at mamayang nito na maiangat ang kanilang kabuhayan.

Naging bahagi sa naturang aktibidad si BFAR 3 Fisheries Production Chief Lilian Rueca, mga halal na opisyal ng bayan, kinatawan mula sa National Anti-Poverty Commission, kawani ng lokal na pamahalaan ng Dingalan at mga mangingisda sa naturang lugar.

Nagsagawa rin ang mga mangingisda at mga nagsipagdalo ng isang panata ng mapanagutang mangingisda mula sa panulat ni Zenia Abaya at lumagda rin ang mga ito bilang pakikiisa sa nasabing panata.

Layunin pa rin ng proyektong ito na matulungan ang mga mangingisda upang magkaroon sila ng lugar bagsakan ng kanilang mga huling isda at maipreserba ang mga ito kapag hindi kaagad naibenta upang hindi bumaba ang kalidad at presyo ng kanilang produkto. Sa pamamagitan din nito ay maproprotektahan ang interes ng mga marginalized fisherman upang mas lalong mapaunlad ang kanilang mga buhay.